Mga ka-Tala, alam niyo ba na ang hiniram na pera ay hindi lang basta pambayad sa mga gastusin? Pwede mo rin itong gamitin para simulan ang iyong financial journey. Ang ₱1,000–₱ 2,000 na iyong hiniram, maaari mong palaguin!
Narito ang ilang low-cost negosyo ideas:
1. Ice Candy Business
Madali lang itong simulan at patok sa lahat ng edad, lalo na sa tag-init. Kailangan mo lang ng ₱500-₱1,000 para makapagsimula. Bumili ng ilang kagamitan at ice candy ingredients, at pwede mo na itong ibenta sa mga kalapit na lugar o online bilang bulk orders.
2. Fruit Salad
Laging patok ang fresh fruit salad sa mga handaan. Sa halagang ₱1,000-₱2,000, pwede ka ng magbenta nito. Maghanda rin ng iba’t ibang tropical o mixed fruit salad para mas marami ang mapagpilian.
3. Graham Balls
Paboritong meryenda ang graham balls na madali lang gawin. Sa kanyang simpleng recipe at murang graham balls ingredients, kailangan mo lang maghanda ng ₱1,000-₱2,000 para makagawa at maibenta sa mga local markets o online.
4. Mango Float
Mango float ang perfect dessert para sa kahit anong okasyon. Mag-invest ka lang ng ₱1,500-₱2,000 para sa mga basic mango float ingredients at packaging.
5. Bananaque Business
Ang bananaque o caramelized bananas ay maaaring simulan gamit ang ₱900-₱1,500. Madali itong gawin at kailangan mo lang ng bananaque ingredients. Mag-set up ng maliit na stall sa mga busy na lugar o ilako.
Para mas mapadali ang pagsimula ng negosyo, gamitin ang Tala para makakuha ng loans na makakatulong sa pagbili ng mga ingredients at kagamitan. Sa loob ng maraming taon, marami nang negosyo ang nakinabang sa Tala. May mga lokal na tindahan na nakapagpalago ng kanilang paninda, at mga gustong magsimula na nakakuha ng kapital para sa kanilang mga bagong negosyo. Ang Tala ay nagbibigay ng mabilis at madaling access sa pondo, na naging malaking tulong sa kanilang tagumpay at personal na financial goals.
Ikaw rin, ka-Tala, pwede kang makakuha ng Tala loan na may flexible terms para sa iyong negosyo. Sa Tala, madali mong ma-i-set up ang regular repayments, na tutulong sa iyo na mapanatili ang magandang credit standing at magbukas ng mas maraming oportunidad sa susunod na pautang. Gamitin ang Tala app para i-maximize ang iyong hiniram na pera at makuha ang mga low-cost raket na magpapalago ng iyong negosyo. Magsimula na ngayon!