Mga ka-Tala, kung ikaw ay isang certified breadwinner na medyo naghihigpit sa budget, napakahalaga na maayos ang pagbu-budget mo. May mga simple at praktikal na tips kami na makakatulong sa’yo para mapanatiling nasa tamang landas ang iyong finances.
1. Magplano ng maaga at mag-set ng savings goal
Maglaan ng oras para gumawa ng detalyadong plano para sa iyong buwanang budget. Ilista ang lahat ng pinanggagalingan ng iyong kita at mga gastusin tulad ng renta, ilaw, tubig, at utang. Huwag kalimutan ang personal mong mga lakad na kailangan ding laanan ng budget tulad ng pamasahe, pagkain, at iba pang paminsan-minsan na gastos.
Ngayon, ka-Tala, mag-set ka ng makatotohanang savings goal na naaayon sa iyong kasalukuyang financial status. Siguraduhing hindi ka lalampas sa na-set mong limitasyon para sa mga gastusin at ipon. Paano? Sundan ang pangalawang puntos.
2. I-monitor ang gastos at i-adjust ang budget kung kinakailangan
Mahalagang i-monitor ang bawat sentimong ginagastos mo. Kapag alam mo kung saan pumupunta ang bawat sentimo, mas madaling makikita kung lalampas o lumalampas ka na sa budget na naplano mo.
Mga ka-Tala, para ma-monitor ang iyong gastos, maaari kang gumamit ng notebook para araw-araw mo silang mailista. Ito rin ay tutulong sa’yo na makapagplano para makapag-ipon ng maayos at makapaghanda para sa iyong emergency fund. Sa madaling sabi, ang paglista ng mga bayarin kada buwan at pag-monitor ng iyong gastos ay magbibigay sayo ng peace of mind na maisasaayos mo ang iyong buwanang budget.
3. Gamitin ang Tala para sa iyong emergency fund
Pero ano nga ba ang emergency fund, mga ka-Tala? Ang emergency fund ay para sa mga biglaang gastos na hindi mo inaasahan, tulad ng may kailangang bilhing school supplies si bunso, nagkasakit si nanay at kailangang bumili ng gamot, o kaya may mga nasira sa bahay dahil sa bagyo o lindol.
Kaya kailangan mo ng karagdagang pondo para sa mga hindi inaasahang gastusin, at makakaasa ka sa Tala. Sa Tala, pwede kang humiram ng mabilis at flexible na loan na makakatulong sa’yo sa mga biglaang pangangailangan. Ang mahalaga pa, hindi mo kailangan ng maraming dokumento dahil isang valid ID lang sapat na. Pwedeng pwede mo rin itong gawin sa kahit anong oras mo gustuhin.
Sa tamang plano, pag-monitor, at pagpili ng tamang loan source, makakaya mong maisaayos ang iyong budget lalo na kung ikaw ay isang certified breadwinner na may mahigpit na budget. At kung dumating ang mga hindi inaasahang gastos, nandito ang Tala para tumulong sa’yo.