Hindi ba’t nakakataranta kung walang choice kung kailan ka magbabayad ng loan mo? Sa Tala, naiintindihan namin ‘yan. Alam namin na importanteng may choice ka kung kailan magbabayad at na may kontrol ka sa kung magkano ang babayaran mo. Kaya naman dinisenyo namin ang bagong Tala loans para ikaw ang magde-desisyon.
Paano ka binibigyan ng bagong Tala loans ng control at flexibility?
✅ Ikaw ang pipili kung kailan magbabayad, basta pasok sa maximum na 60 days.
✅ May daily service fees lang sa bawat araw na ginagamit mo ang loan—kaya mas kontrolado mo ang gastos mo.
✅ Mas maagang bayad, mas tipid sa fees. Kung kailangan mo naman ng mas mahabang panahon, tuloy lang ang daily fee hanggang sa araw ng pagbabayad.
Anu-ano ang mga benepisyo ng mga feature na ito?
- Dahil ikaw ang pumipili ng repayment date mo, pwede mo itong i-align sa araw ng sweldo, kita, o allowance.
- Dahil kada araw lang ang singil sa service fees, mas madali itong i-compute at i-budget.
- Ikaw ang may hawak ng desisyon—mas magaan sa pakiramdam!
Paano kung hindi ako makabayad sa napili kong petsa?
Ang napili mong “selected date” ay nagsisilbing guide para matulungan kang ma-budget ang iyong pagbabayad. Hindi ka naka-lock-in dito.
Kung hindi ka makabayad sa araw na iyon at kailangan mo pa ng kaunting panahon, walang problema. Hindi ka agad-agad macha-charge ng late fee.
Pero tandaan: tuloy lang ang daily service fees hanggang sa araw ng pagbabayad mo—hanggang sa maximum na 60 days. Para sa impormasyon tungkol sa late fee na maaaring i-apply pagkatapos nito, bisitahin ang FAQs namin dito.
Gaya ng lagi naming sinasabi: the sooner you repay, the better!
Anu-ano ang benefits ng pagbayad nang mas maaga?
- Mas madaling ma-practice ang healthy financial habits
- Nakakatulong ito para lumaki ang limit ng Tala loans mo habang tumatagal
- Mas gumaganda ang credit standing mo—makakatulong ito sa pag-access ng mas maraming financial services, sa Tala man o sa iba pang institusyon
Ngayon na alam mo na kung paano ka nabibigyan ng flexibility at control ng bagong Tala loans, i-maximize mo na ito!
Borrow only what you need, mag-set ng personal target kung kailan ka magbabayad, magbayad nang mas maaga para makatipid, at patuloy na mag-practice ng healthy financial habits para sa tuloy-tuloy na pag-asenso.
Nandito ang Tala para suportahan ka sa bawat hakbang.